Ligtas Christmas sa Healthy Pilipinas: Healthier Options
14 December 2021
|
By
Healthy Pilipinas
|
382

Hindi natin maiiwasan ang pagpiyesta tuwing Pasko! Paano tayo makakagawa ng "healthier choices" sa panahon na ito?

 
Bakit mahalaga na gawin ang paglilimita o food moderation tuwing may handaan?
Maaari ka pa ring maging malusog sa panahon ng Pasko at Bagong taon! Ang kasiyahan at
handaan tuwing holidays ay maituturing na isang tradisyon ng bawat Filipino kaya maari ka pa rin kumain ng mga nakagisnan na mga PInoy handa at putahe tulad ng lechon, hamon, mango float, atbp. Pero, lagi din nating iisipin na ang lahat ng sobra ay nakasasama. Mag-enjoy sa mga masasarap na handa habang iniisip ang iyong diyeta. Kumain nang in moderation o katam-tamang dami ng mga matataba, maaalat, at matatamis na mga pagkain.


Ano ang dapat gawin upang gawing balanse at healthy ang mga kakaining pagkain ngayong holiday season?
Ibalanse ang mga kakainin na handa ngayong Pasko at Bagong taon sa pamamagitan nang
paghanda at pagkain ng mga pagkain na mayaman sa nutrients tulad ng prutas at gulay.
Unahin itong tangkilin para madaling mabusog at hindi na mag-over eat sa mga pagkain na mga unhealthy.


Maaari ba akong maginom ng alak ngayong holiday?
Hinihikayat ang bawat Filipino na bawasan o ‘di kaya ay tuluyuan nang iwasan ang pag-inom ng alak ngayong holiday season na uso ang kaliwa’t kanan na mga selebrasyon. Hindi maganda ang naidudulot nang labis na pag inom nito tulad pagkasira ng ating mga atay at lalo na sa mga nagmamaneho na maaaring humantong sa disgrasya at pagkamatay.


Marami din ang masamang epekto nang pag-inom ng mga hindi FDA-registered na mga alak
tulad ng lambanog na nababalita na may nabibiktima kada taon.

 

Paano gawin na mas healthy at ligtas ang ating mga handa at mga pagkain ngayong Noche buena at Bagong taon?
● Mas ligtas at mas kayang gawing masustansya kung lutong bahay ang ating ihahanda sa mga bisita.
● Kung walang oras, magpadeliver nalang sa halip na bumiyahe o pumunta sa restaurants. Huwag kalimutan na mag mask kapag sasalubungin ang delivery rider.
● Enjoy tayo ngayong pasko pero enjoy in moderation, i-monitor ang pagkain ng mga maaalat, matataba, at matatamis na mga pagkain.
● Kumain din nang balanseng klase ng mga pagkain! Wag kalimutan ang prutas, gulay, kahit na nag-eenjoy sa handaan. Iwasan ang labis o kung maaari huwag nang uminom ng alak na maaaring magdulot ng disgrasya at pagkasira ng inyong atay.
● Uminom na lang ng maraming tubig o fresh fruit juices kaysa sa mga maraming preservatives at nakakatabang inumin. Mas healthy na, tipid ka pa.