Kung naputukan dahil sa paputok, ano ang maaaring gawin bilang paunang lunas upang hindi lumala ang sugat/ injuries?
First Aid sa naputukan na mata:
Padaluyan agad ng malinis at maligamgam na tubig ang apektadong mata na ‘di bababa sa 15 minuto
‘Wag kalikutin o kamutin ang apektadong mata
Humanap ng malinis na tela o gasa at takpan ang apektadong mata
Dalhin agad sa Emergency Room
First Aid kapag nasugatan o napasong balat:
‘Wag balewalain ang paso at sugat na sanhi ng paputok kahit gaano man ito kaliit
Hugasan agad ang sugat ng sabon at malinis na tubig.
Tanggalin ang mga kontaminadong damit ( siguraduhin na nalabhan ito nang maayos bago gamitin ulit).
Takpan ang sugat ng sterilized gauze bandage.
Pumunta agad sa health center o ospital para sa bakuna kontra tetano
First Aid kapag nakalunok ng watusi, piccolo, o iba pang klase ng paputok:
Huwag pilitin na pasukahin ang biktima.
Pakainin ang biktima (bata) ng 6-8 at (matanda) 8 hanggang 12 na piraso na hilaw na puti ng itlog o egg white.
Hugasan ang balat gamit ang alkaline soap tulad ng perla kung nakontamina o may dermal exposure ng watusi.
Dalhin agad ang bikitima sa pinakamalapit na ospital para masuri ang kalagayan.
First Aid kapag nakalanghap ng masamang kemikal na galing sa paputok:
Ilayo ang biktima sa lugar na may amoy o kontamindo ng paputok.
Palanghapin sya ng sariwang hangin
Panatilihin siyang komportable at hindi nilalamig
Humingi ng agarang medikal na atensyon