Maaari na ba akong dumalo sa mga family gathering ngayong pasko at bagong taon?
Maaari kang dumalo sa mga family gatherings kung ikaw ay walang sintomas ng COVID-19. Mas mainam pa kung ikaw ay bakunado lalo na kung ikaw ay may ibang sakit (comorbidities). Mainam din na i-check muna ang risk/alert level nang pupuntahang lugar. Kung ikaw ay may sintomas ng COVID-19, kinakailangan mong mag-isolate at kumonsulta sa inyong Barangay Health Emergency Response Teams (BHERTs) para sa mga susunod na hakbang.
Ano pa ang dapat kong tandaan kung ako ay makikipagkita sa ibang tao ngayong pasko?
Tandaan: Bakuna - Airflow - Mask - Hugas - Iwas
• Bakuna - Magpabakuna at kumpletuhin ito
• Airflow - Sa lahat ng pupuntahan dapat maganda ang daloy ng hangin
• Mask - ‘Wag kalimutang mag-MASK para sa MASKmasayang Pasko
• Hugas - Maghugas lagi ng kamay at magdala ng alcohol o alcohol-based sanitizer
• Iwas - Iwasang pumunta sa matatao at kulob na mga lugar
Ano ang maituturing na mapanganib na mga lugar o venue para pagdarausan ng mga family gathering sa darating na kapaskuhan at bagong taon?
Mapanganib ang lugar kung ito ay nakapaloob o maituturing na pasok sa 3Cs:
• Crowded places - mga lugar kung saan may kumpulan ng maraming tao tulad ng malls at theme parks na madalas puntahan ngayong Kapaskuhan at New Year.
• Close-contact settings - mga lugar kung saan ang mga tao ay may close-range na interaksyon tulad ng mga kainan o restaurants na kung saan ang mga tao ay nagtatanggal ng masks para kumain.
• Confined and enclosed spaces - mga lugar kung saan may hindi magandang bentilasyon at daloy ng hangin tulad ng mga naka-aircon na facilities at walang mga sapat na bintana at pintuan, halimbawa ay mga indoor tourist attractions (museyo, libraries, etc.)
Ang panganib na mahawaan ng COVID-19 ay mas mataas sa mga lugar na nabanggit at lalo na pag ito ay nagkasabay-sabay.
Kung hindi mapipigilan ang pagpunta sa mga lugar na 3Cs, tiyakin na sumusunod sa Minimum Public Health Standards para COVID-free tayo this holiday season. Tandaan muli ang Bakuna - Airflow - Mask - Hugas - Iwas!
Paano gagawing Ligtas Christmas ang pagdarausan ng family gatherings at ibang pagtitipon?
• Siguraduhin na ang lugar ng pagdarausan ay may magandang bentilasyon/ magandang daloy ng hangin
• Panatilihin ang safe distancing sa bawat tao na dadalo, kasama na tuwing uupo o tatayo, at kakain.
• Gawin ang mga aktibidad sa labas ng bahay o gawing outdoor ang isang aktibidad.
• Maghanda ng mga hand sanitizer o alcohol o ‘di kaya ay sabon at tubig na maaaring magamit ng mga taong dadalo bago, habang, at pagkatapos ng pagtitipon.
• I-minimize ang mga kantahan/karaoke, lalo na’t pag hindi naka mask.
• Tandaan muli ang Bakuna - Airflow - Mask - Hugas - Iwas!
Paano gagawing Ligtas Christmas ang mga aktibidad sa nga family gatherings at ibang pagtitipon?
• Gamitin ang mga online social media platform sa pagbo-broadcast ng imbitasyon sa mga kakilala.
• Hikayatin din ang ibang bisita o kapamilya na lumahok na lamang via online sa mga pagtitipon-tipon kung kinakailangan.
• Limitahan ang dami ng mga kapamilya na dadalo sa inyong mga social gathering o mga aktibidades. Mas mainam kung sila ay kasama o nasa isang household o “bubble” lamang.
• Gawing maikli ang mga gagawing party o kasiyahan. Short but sweet, ika nga!
• Iwasan ang mga aktibidad na maaring magkalat ng ating laway o mga particle sa paghinga sa hangin tulad ng videoke o pagsigaw.
• Tandaan muli ang Bakuna - Airflow - Mask - Hugas - Iwas!
Ako ay dadalo sa isang indoor na pagtitipon. Ano ang aking dapat tandaan?
• Alamin ang mga patakaran/ alituntunin/regulasyon ng iyong pupuntahang lugar ukol sa mga pagtitipon
• Hingiin sa host na buksan ang mga bintana, pintuan, at bentilador kung maaari
• Obserbahan at gawin ang safety standards lalo na sa mga activities na may kasamang usapan, sigawan, kantahan o videoke na maituturing na mga activities with high-risk of transmission dahil sa mataas na panganib nang pag talsik ng laway.
• Iwasan ang hiraman ng mga gamit at paghawak sa mga madalas hawakan o high touch na mga surfaces.
• At kung hindi ka bakunado at kabilang sa mga may comorbidities o isang senior citizen ay ipagpaliban na lamang ang pagpunta sa mga social gathering. Magpabakuna na!
Subaybayan ang Healthy Pilipinas website para sa iba pang FAQs para sa Ligtas Christmas ngayong 2021!