Ligtas Christmas sa Healthy Pilipinas FAQs: Patungkol sa mga Bakuna
14 December 2021
|
By
Healthy Pilipinas
|
221

Kapag hindi bakunado ang mga seniors ng aking pamilya, maaari ba silang dumalo sa pagtitipon ngayong holiday season?


Ang COVID-19 vaccine ay nagbibigay dagdag proteksyon sa ating mga senior citizen laban sa virus. Kung bakunado, maaari silang mag celebrate ngayong pasko na mas ligtas at protektado! Mababawasan pa ang kanilang pangamba sa sakit na COVID-19. Kung hindi pa sila bakunado ay hikayatin sila na magpalista at magpabakuna sa kanilang Local Government Units. Mas mabuti nang nag-iingat at protektado laban sa COVID-19 virus.

 

Ako ay bakunado na pero hindi pa ang aking pamilya. Maaari na ba kaming magkita-kita ngayong holiday?

Hinihikayat namin na magpabakuna na ang mga kapamilyang hindi pa bakunado para sa holiday celebration. Mas mainam ito dahil mapoprotektahan sila laban sa virus lalo na kapag sila ay kasama sa mga vulnerable sector tulad ng mga senior citizen at may mga sakit o comorbidities.

 

Lahat kami ng aking pamilya ay bakunado na. Meron po ba kaming makukuhang mga perks or insentibo dahil kami ay mga bakunado na at anu-ano ang mga ito?


Congratulations! Isang magandang balita kapag lahat ng miyembro ng pamilya ay fully vaccinated na.  Maliban sa kayo ng pamilya mo ay protektado mula sa malubhang klase ng COVID-19, may makukuha pa kayong mga benepisyo o insentibo dahil kayo ay nagpabakuna na ng COVID-19 vaccine.


Bisitahin ang page na ito para sa mga updated perks at incentives: https://www.ingat-angat.com/benefits

 

Ano ang magandang iregalo sa inyong mga kapamilya at kaibigan ngayong Pasko at Bagong taon?


Give the gift of good health by getting vaccinated. Ang pinakamagandang paraan upang ipagdiwang ang Pasko at Bagong Taon nang masaya at ligtas ay ang pabakunahan ang iyong sarili at ang iyong mga mahal sa buhay.