Anu-anong mga aktibidad ang maituturing natin na "safe" gawin ngayong holiday season habang mayroon pa ring bagong variants ng COVID-19 virus?
Dahil sa patuloy na pagbaba ng mga COVID-19 cases at ng Alert Level sa NCR at sa maraming lugar sa ating bansa. Maaari na ba akong maging kampante sa pakikipag halubilo at pagdiriwang ngayong holiday?
Don’t let your guard down! Tandaan ang Bakuna - Airflow - Mask - Hugas - Iwas!
Kahit na maituturing na isang tradisyon ang pagtitipon-tipon at sabay na salu-salo tuwing Noche Buena at Media Noche, hindi pa rin tayo pwede maging kampante para sa taong ito.
Kung hindi sigurado sa status ng kalusugan, mas mainam ang pagtawag, video call, o pag message nalang sa ating mga mahal sa buhay.
Ano ang magandang gawin para maiwasan ang COVID-19 ‘pag nagpaplanong mamili ng pang-handa at pang-regalo sa darating na pasko at bagong taon?
Magplano at bumili nang mas maaga para maiwasan ang Holiday Rush
Umiwas sa mga establishimentong matatao at kulob
Kung hindi maiiwasan ang pagpunta sa mga matatao at kulob na lugar, gawin ito sa mga oras na mas kakaunti ang mga tao
‘Wag kalimutang magsuot ng mask kapag lalabas ng bahay, magdala din ng alcohol o alcohol-based hand sanitizers
Kung maaari ay panatilihin ang 1 metrong distansya sa iba.
Hangga't maaari, gawing online ang pagsa-shopping this season of giving. Convenient na, iwas pa sa hawaan at exposure sa virus!
Hangga't maaari, gawing online ang pagsho-shopping this season of giving. Convenient na, iwas pa sa hawaan at exposure sa virus.
Iwasan ang pagkain o pagtikim sa mga sampling foods sa mga pampublikong pamilihan at grocery stores.
Huwag kumain o uminom sa mga pampubliko o crowded/masisikip na mga lugar.
Maghugas ng kamay pagbalik sa tahanan
Bago humawak o maghanda ng pagkain, dapat maghugas din ng mga kamay.
Ano ang magandang gawin para hindi magka-COVID-19 pag nagpaplanong mamili para pang handa at pang regalo sa darating na pasko at bagong taon?
Magplano at bumili ng mas maaga para maiwasan ang Holiday Rush
Umiwas sa mga establishimentong matatao at kulob
Kung hindi maiiwasan ang pagpunta sa mga matatao at kulob na lugar, gawin ito sa mga oras na mas kakaunti ang mga tao
Wag kalimutang mag-mask kapag lalabas ng bahay, Magdala din ng alcohol o alcohol-based hand sanitizers
Kung maaari ay panatilihin ang 1 metrong distansya sa iba.
Hangga't maaari din, gawing online ang pagsa-shopping this season of giving. Convenient na, iwas pa sa hawaan at exposure sa virus.
Iwasan ang pagkain o pagtikim sa mga sampling foods sa mga pampublikong pamilihan at grocery stores.
Huwag kumain o uminom sa mga pampubliko o crowded/masisikip na mga lugar.
Maghugas ng kamay pagbalik sa tahanan
Bago humawak o maghanda ng pagkain, dapat maghugas din ng kamay.
Paano natin i-celebrate ang Paskong Pinoy na masaya at ligtas?
● Ang pagbabakuna ay ang tanging paraan para tayo ay mabuhay ng normal kasama ng COVID-19 virus.
● Sa pamamagitan ng pagprotekta sa iyong sarili at sa iyong mga pamilya mula sa matinding impeksyon at kamatayan sa pamamagitan ng pagbabakuna, maaari nating ipagdiwang ang Pasko ng ligtas at ng walang pag-aalala.
Kung ako ay bakunado, wala na ba akong dapat alalahanin na mga gabay para maiwasan ang COVID-19 ngayong kapaskuhan?
Habang ang pagbabakuna ay mahalaga, mahalagang ipaalala din sa publiko na kinakailangan ding gawin ang mga minimum public health standards na Airflow - Mask - Hugas - Iwas upang maging mas ligtas at protektado tayo ngayong holidays. Kahit isang pandaigdigang pandemya ay hindi makakapigil sa mga Pilipino na ipagdiwang ang Pasko at Bagong Taon kasama ang mga taong mahalaga sa kanila.