Ligtas Christmas sa Healthy Pilipinas: Epekto ng Paputok sa Kalusugan
24 December 2021
|
By
Healthy Pilipinas
|
313

Maliban sa disgrasya kapag naputukan, marami pang negatibong epekto sa kapaligiran at sa katawan natin ang paputok! Kaya umiwas na lang sa paggamit ng paputok ngayong Bagong Taon!

 
Anu-ano ang mga direktang epekto sa kalusugan nang paggamit ng paputok?


Blast/sabog o paso na may pagputol o amputation
Blast/sabog o paso ng walang putol o amputation
Ang pinsala sa mata na maaaring humantong sa pagkabulag
Tetanus
Pagkalason (Paglunok o Ingestion)
Kamatayan

Ano pa ang ibang mga epekto sa kalusugan nang paggamit ng paputok?


Ang pagpapaputok ay may epekto din sa ating kalikasan. Ang mga resulta ng mga pag-aaral ay nagpakita na ang mga antas ng suspended particulate matters (SPM) at iba pang air pollurants (CO, NO2, hydrocarbons, SO2) ay tumataas sa hangin sa panahon ng mga fireworks display. 
Ang mga buntis, mga bata, at mga may chronic asthma o hika ay pinaka vulnerable o pinakamadaling magkasakit dahil sa exposure dito. 
Ang mataas na SPM level ay maaaring magdulot ng mga problema sa lalamunan, ilong, at mata. Maaari itong humantong sa pananakit ng ulo at pagkabawas sa mental acuity. 
Mayroon itong mas matinding epekto sa mga taong may sakit sa puso, respiratory o nervous system. At paglala ng kondisyon para sa mga taong dumaranas ng allergy o ubo at maaari ring maging sanhi ng pagsisikip ng lalamunan at dibdib.
Maaari din itong magdulot ng problema sa paghinga gaya ng chronic o allergic bronchitis, bronchial asthma, sinusitis, rhinitis, pneumonia at laryngitis.

Maliban sa epekto sa kalusugan, meron bang masamang epekto ang pagpapaputok sa mga hayop at kapaligiran?


Ang mga unwanted second noise ay may mga nakakapinsalang epekto rin. Ang karaniwang antas ng ingay na itinakda ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa ambient environment ay 60 dB sa araw at 50 decibel sa gabi. 


Ang mga paputok ay maaaring lumampas sa 140 decibels. 
Ang ingay sa 85 decibel above ay maaaring makapinsala sa pandinig. 
Ang pagtaas sa mga antas ng tunog ay maaaring humantong sa pagkabalisa, pansamantala o permanenteng pagkawala ng pandinig, mataas na presyon ng dugo, at pagkagambala sa pagtulog.


Ang mga paputok ay maaari din na magdulot ng mga stress o problema sa ating mga alagang hayop sa bahay

Ano ang mga masamang epekto ng mga kemikal at sangkap na nakapaloob sa mga paputok?


Ang paputok ay naglalaman ng mga nakasasamang kemikal tulad ng:


Cadmium- Maaaring magdulot ng irritation sa baga at mga sintomas tulad ng influenza. Maaarii din itong maipon at kalaunan ay makapinsala sa atay, bato, buto, at magdudulot ng kanser. 


Lead- Maaaring makaapekto sa dugo, central nervous system, at pinipigilan ang paggana ng utak. Maaari ring magdulot ng developmental delays, growth retardation, behavioral effects at learning delays.


Chromium- Nagdudulot ng pinsala sa balat at hypersensitivity. Ang matagal na exposure dito ay maaaring humantong sa kanser sa baga.


Aluminum- Nagdudulot ng problema sa memorya, demensya at mga kombulsyon.


Magnesium-Ang alikabok at usok ng magnesium kapag nalalanghap ay maaaring makairita sa mga mucous membrane o upper respiratory tract at maging sanhi ng mental fume fever at pagkasira ng central nervous system.


Nitrates, Nitrite, Phosphates and Sulfates- Maaaring magdulot ng pagkahilo, pananakit ng tiyan, pagsusuka, pagtatae ng dugo, panghihina at kombulsyon.


Carbon Monoxide (colorless, odorless gas)- Maaaring magdulot ng pananakit ng ulo, pangangati ng mata, narcosis, coma, mabilis na pagkamatay dahil sa anoxia ng utak, nervous system at problema sa puso.

Copper dust fumes-Kapag nalanghap ay maaaring magdulot ng pangangati sa respiratory tract.


Manganese dioxide fumes- Maging sanhi ng pangangati sa baga, pulmonya, mga posibleng mga sintomas ng Parkinson's, paninigas, pananakit ng kalamnan at panginginig.


Potassium-Ang iritasyon mula sa potassium ay maaaring humantong sa kemikal na pneumonitis, pulmonary edema, at pangangati ng upper respiratory tract na may ubo, paso at kahirapan sa paghinga.


Sodium-  Ay nagiging sanhi ng pangangati ng mucous membrane ng ilong, lalamunan at respiratory tract.


Zinc oxide fumes- Maaaring magdulot ng mga sintomas ng metal fume fever tulad ng trangkaso, panginginig, lagnat, pagpapawis at panghihina ng kalamnan.


Oxides of nitrogen and sulfur- Maaaring mabawasan ang pulmonary function at pagkakaroon ng  mucosal irritation. Ang mga irritant ay maaaring magdulot ng pinsala sa respiratory.