Ligtas Christmas sa Healthy Pilipinas: Alternative Activities at CFD
24 December 2021
|
By
Healthy Pilipinas
|
233

Umiwas na lang po tayo sa mga paputok ngayong Kapaskuhan at Bagong Taon, para sa #LigtasChristmas! Anu-ano ang pwede pa nating gawin?
Ano ang mga benepisyong makukuha sa hindi pagpapaputok at paggamit na lang ng mga alternative devices?


Maraming mga benepisyo ang makukuha sa hindi pagpapaputok this New year, tulad ng: 


Makakaiwas sa peligro na maaaring maidulot ng paputok tulad ng pagkasugat o pagkaputol ng daliri o mga kamay. 
Makakaiwas ka pa sa mga health problems na dala ng paglanghap sa mga kemikal nito. 
Makakabawas ng dumi ng hangin at mga basurang maiiwan pagkatapos ng pagpapaputok. 


Hinihikayat namin na gumamit na lang ng mga alternatibong pampaingay na libre, safe, at sustainable pang gamitin. 


Ano ang community fireworks display at ano kahalagahan nito sa pagbaba ng kaso ng mga nasugatan dahil sa paputok?


Ang community fireworks display ay isang alternatibong paraan o aktibidades na hinihikayat ang mga taong manuod ng display na paputok at mga pailaw na pinangangasiwaan ng isang sinanay o trained na tao at may LGU permit at ng mga PNP licensed fireworks display operators. 


Anu-ano ang dapat gawin kung pupunta o manunuod ng designated Community Fireworks DIsplay?

Alamin ang lugar ng mga designated community fireworks display na planong puntahan.
Ihanda ang mga dapat dalhin tulad ng alcohol, face shield, vaccine card kung kinakailangan.
I-practice pa rin ang minimum public health standard, magsuot ng mask at dumistansiya ng isang metro sa ibang tao. 
Mainam pa parin kung kayo ay bakunado bago dumalo sa mga ganitong pagtitipon para mas panatag ang isipan at less alalahanin o anxiety.
Manood nang may safe distancing o malayo sa nagsasagawa ng paputok para hindi matamaan at sa mga nagkukumpulan para hindi mahawaan ng virus. 
Alamin ang mga emergency hotlines kung may biglang sunog at disgrasya. 


Anu-ano ang mga halimbawa ng mga alternative devices na pwede gamitin sa halip na gumamit ng paputok?


Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng mga alternatibong mga pampaingay at pailaw sa pagsalubong ng Bagong taon:


Busina ng sasakyan
Sound system
Tambourine
Takip ng kaldero
Alkansya
Light sticks
Christmas lights


Ito ay iilan lang sa marami pang pwedeng gamitin na alternatibong devices ngayong holidays.